Define bangungot.
Nangyayari lang ba siya pag tulog ka? Or kahit nasa REM stage ka pa lang?
Honestly, takot na akong matulog. Especially pag nasa dorm ako.
Last Thursday (madaling araw), I think binangungot ako, though technically parang hindi siya bangungot.
That time, I decided na itigil muna ang pagrereview for my Psych exam, and nung mahiga na ako, after sometime, I saw a light (coming from Nissi's phone), eh 'di malamang yun lang yung light source sa room namin, so tinitigan ko yun, while doing that, parang may naririnig akong buzzing sound sa isip ko, then I notice na sa matagal kong pagkakatitig dun sa light, mas lumiliwanag siya. All of a sudden, yung buzzing sound na naririnig ko escalated to the point na sasabog na yung utak ko. Then, that was when I had difficulty in breathing, as in sobrang natakot ako, hindi na talaga ako makahinga, I thought I was on the verge of dying. Tinry kong abutin si Iya (since magkalapit lang yung bed namin), pero hindi ko maigalaw yung kamay ko, kahit anong gawin ko ayaw pa din. Tapos tinry kong iwriggle yung toes ko, pero ayaw pa din. You could just imagine my terror (I was praying hard to God, na not that time, not that time please). After three (?) trials or so, naigalaw ko na yung toes ko, and then, literally, nagflow yung air sa buong system ko and man was I so thankful.
After that, takot na takot na talaga akong matulog. Nung kinaumagahan sobrang lakas ng tibok ng puso ko and sobrang ninenerbyos na lang ako nang walang dahilan. Ang weird lang kasi once lang ako nagcoffee that week and decaf pa siya.
As we were deliberating kung ano nga ba ang bangungot, nadako kami ng mga roommates ko sa issue na kung marami kayong binabangungot sa isang place, that means may "something" doon. Eh siyempre lalo naman akong natakot. Tapos nung kinuwento ko sa parents ko, they told me na siguro tinatakot ko lang yung sarili ko kaya nangyari sa'kin yun. At take note, nagsabi pa sila about duwende (mama), pugot na ulo (papa) at sapi (oyo boy). Ang loko lang, napaka comforting 'di ba?
Recent Posts
2 comments:
ohboom! may psych ka ulit this sem? haha yun pala yung concern eh noh. =))
but on a serious note, scary!!! at least somehow conscious ka na igalaw yung toes mo. i guess, bangungot nga yun.
Always pray before going to sleep. :)
yun nga eh :( Sana talaga hindi na mangyari. And tama ka prayer is the key. Lagi naman ako ngapapray.
Pero alam mo ba, feeling ko wake up call na yun from God.
Yesterday night, bago ako matulog, alam mo ba na bigla na lang nahulog yung picture frame ni papa Jesus sa akin? nakasabit kasi siya dun sa wall na malapit sa bed ko. As in sobrang nagkagoosebumps ako :(( then napanaginipan ko kanina na may masamang nangyari daw sa'kin. JUANNNA! I'm being punished T____T
Post a Comment